Paano ba ako magka resulta sa business ko?
Ito yung karamihan tanong ng mga networkers lalo na kung bago kapa
lang, halos lahat kasi ng prospect na makakausap mo ay nagtatanong kung
kumikita kana ba dyan sa business mo? Mag kano naba ang kinita mo dyan?
Para ka kasi magka resulta kaylangan mo munang magka resulta..huhh?? Ang
gulo diba?
Gusto kung maunawan mo na lahat ng top recruiters at top earners ng
company nyo ay nag uumpisa yan sa zero result (kahit ako nag start from
zero). Wala naman sigurong pagkapasok sa industry nato ay kumita na
agad. They all started from zero result to top earner.
Ngayon kung wala kapa din resulta, ito yung pwede mong gawin.
Step 1: Leverage Others Results
Importante na may kakilala kang tao na kumikita na sa company nyo,
pwede yung upline o ka crosslines mo. Gagamitin mo yung results nila
para ka magka resulta. Ipagpa alam mo na kung pwede mong gamitin yung
result nila o kung pwede mo sila i-interview-hin sa success story nila.
Pwede mong video-han o hingin yung screen shot ng income nila, ito yung
ipapakita mo sa mga prospect mo as income proof na may kumikita na
talaga sa company nyo.
Step 2: Create Your Own Result
Ngayon mag uumpisa kanang magka resulta, hindi importante kung maliit
o malaki yung resulta mo, as long as sarili mong resulta. Ito na naman
yung gagamitin mo as income proof sa mga prospect mo. Mas convincing
kasi kung income result mo mismo yung ipapakita mo sa’yong prospect, mas
mataas yung chance na sasali sila dahil nakita nila mismo na kumikita
ka.
Step 3: Let Your Team Use Your Result
This step ay tutulungan mo naman yung mga partners mo para magka
resulta, ipapagamit mo naman yung sarili mong resulta para matulungan mo
silang magka resulta. Pwede kang gumawa ng team video presentation nyo
as a tool para sa kanila. Ito yung malupit, dahil pinagamit mo sa kanila
yung resulta mo, sila na naman yung unti-unting magka resulta,
magkakaroon sila ng first income commission at new members ng team nyo.
Step 4: Use Your Team Results
Ito yung result story ng buong team mo na nagkakaroon na ng resulta,
yung team mo na natulungan at nagawa mong pakitain sa business na
ginagawa nyo. Pwede mo sila hingan ng video testimonies kung paano sila
kumita at kung magkano na yung kinita nila. Kaya mo ito gagawin para
tumaas lalo yung influence mo sa ibang tao, para makita ng ibang tao na
sila mismo ay kaya mo din tulungan gawin yung business na ginagawa nyo.
Step 5: Let Other Use Your Team Results
This final steps ay hahayaan mong ipagamit sa buong company nyo yung
team results nyo, ibig sabihin pwede mo itong ipagamit sa ka-crosslines o
kung sino mang member ng company nyo. Kaya mo to gagawin ay para mas
makilala yung team nyo lalo na nakapag produce ng maraming resulta.
Lalong tataas yung convincing power ng team nyo na yung prospect na
mismo yung magtatanong kung paano ba sumali sa team na yan.
Lahat nun ay nag uumpisa from zero result, kaya ngayon wag kang
mawalan ng pag asa kung wala ka pang resulta. Just simply follow this
cycle results and soon who know’s yung team muna yung pinakakilala sa
company nyo.
May natutunan ka ba sa article nato? Let me know what you think by leaving a comment below.
Marky comora blog signature.
No comments:
Post a Comment